14-anyos na estudyanteng nanonood ng concert, binaril sa ulo ng public safety and security officer

Image from Guns and Leads

Naging malagim na trahedya ang sana ay isang masayang concert sa loob ng isang paaralan nang barilin sa ulo ng isang miyembro ng public safety and security committee sa bayan ng Lagawe, Ifugao ang isang 14-anyos na estudyante.

Ayon sa ulat ng Philstar, dakong 10:20 ng gabi noong Miyerkules, ika-26 ng Abril, nang maganap ang pamamaril habang masayang nanonood ang biktima ng benefit concert sa gymnasium ng Lagawe Central School sa  Poblacion South.

Bigla na lang umanong umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril matapos lumapit ng suspek sa biktima. Sapul sa kanang bahagi ng ulo ang tinedyer na kinilalang si Ethan Ryo Anselmo Sia. Agad itong isunugod sa Natulowan Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Naagaw naman ng iba pang nanonood ng concert ang kalibre .38 revolver mula sa suspek na si Michael Dinamling, 45, na miyembro ng Public Order and Safety Committee sa nasabing bayan. Hinuli rin nila ito at isinuko sa mga pulis.

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.

 

Source :

Philstar