400k Halaga ng Shabu Nasamsam sa Benguet

Photo for illustrative purposes only| Image from Radyo InquirerPhoto for illustrative purposes only| Image from Radyo Inquirer

Sa kabila ng giyera laban sa droga, wala pa ring takot ang marami?

BENGUET – Arestado ang dalawang drug pushers sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa La Trinidad, Benguet at Baguio City .

Arestado sina  Hadjiomar Mojeb, 26, at ang kaniyang diumano’y runner na si  Winston Tibangay, 35, sa Barangay Cruz, La Trinidad.

Merong wanted sa BCPO (Baguio City Police Office) na andito sa La Trinidad, we conducted a buy-bust, and nakabili yung ating kunwaring buyer,” ani  la Trinidad Police chief Benson Macli-ing.

Nakumpiska sa mga suspek ang 19 na sachet ng shabu na may timbang na 62.5 gramo.

Ayon sa mga awtoridad , ang naturang shabu ay may market price na P400,000; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Dagdag pa ng mga awtoridad,  ang mga suspek ay nagbebenta rin ng mga pekeng DVD sa La Trinidad. Ang mga suspek ay wala sa watchlist ng PNP ngunit ang mga inaresto ay may anim na buwan nang nagtutulak ng shabu.

Ang mga suspek diumano ay kumukuha ng supply sa Maynila at ibinebenta sa  La Trinidad at Baguio.

Nakapiit ang mga suspek ngayon sa Benguet Provincial sa kasong paglabag sa Jail NRA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.

Source :

ABS CBN

Loading...