“6,000 Trabaho ang Malilikha sa PH-Qatar Deal” – Trade Chief

Imahe mula sa Facebook Page ng Community PH News WatchImahe mula sa Facebook Page ng Community PH News Watch

Lumagda ang Qatar at Pilipinas sa trade agreement na nagkakahalaga ng $200 million sa final leg ng Gulf tour ni Pangulong Rodrigo Duterte; ayon sa Manila’s Trade and Industry secretary sa mga mamamahayag sa Doha  nitong Abril 16.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Ramon Lopez na 6,000 trabaho ang maaaring malikha sa Pilipinas bilang resulta ng 13 kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng mga pribadong kumpanya nitong weekend na saklaw ang area tulad ng kalusugan, defense at turismo.

The private firms in Qatar have shown great interest in various projects (in the) Philippines,”  ani Lopez sa  Qatar Tribune newspaper.

[Ang mga private firms sa Qatar ay nagpahayag ng interes sa ilang mg proyekto sa Pilipinas.]

There are many more opportunities where they can invest.” [Maraming oportunidad na maaari silang mag-invest.]

Naging pahayag ito ni Lopez habang naghahanda si Duterte sa pulong nito sa mga senior government officials sa Doha nitong Abril 16. Ito rin ang naging pagharap ni Duterte sa may 7,000 tagasuporta sa Qatar.

Sa pagharap nito sa kaniyang mga tagasuporta nangako itong lalabanan nito ang droga at korapsiyon at umawit din si Duterte ka-duet ang local Filipino singer na si Hanna Uddin.

May 240,000 Filipino ang naninirahan sa Qatar at malaking bahagi nito ay bumoto sa Pangulo noong nakaraang 2016 election.

Sa kabila ng naging batikos sa pagtrato sa ilang mga Filipino workers sa Gulf, ani Duterte ay nakapagpadala pa rin ang mga ito ng mahigit  $7 billion (6.6 billion euros) sa remittances noong 2016.

Nagkakahalaga ng $925 million ng investment ang maiuuwi ni Pangulong Duterte mula sa kaniyang state visit sa mga bansa sa Gitnang Silangan.

Loading...