Abu Rami, lider ng Abu Sayyaf na lumusob sa Bohol posibleng kabilang sa mga napatay na bandido

Image from PNP PRO7 Image from PNP PRO7

Posibleng isa raw sa mga napatay na Abu Sayyaf  ang sub-leader na si Muamar Askali, mas kilala bilang Abu Rami, sa engkwentrong naganap sa isang bayan sa Bohol noong Martes, ika-11 ng Abril.

Si Abu Rami ang sinasabing nagpasimuno sa paglusob ng mga Abu Sayyaf sa Barangay Napo sa bayan ng Inabanga sa nasabing probinsiya na diumano ay pangingidnap ng mga turista ang pakay.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines’ Public Affairs Office chief na Col Edgra Arevalo sa Brigada News na may natanggap silang impormasyon na kabilang si Abu Rami sa mga napaslang na bandido. Patuloy pa umano ang ginagawang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng anim na bandidong napatay ng pinagsanib na puwersa ng mga pulis at sundalo na sumagupa sa Abu Sayyaf.

Isang pulis at tatlong sundalo, kabilang ang isang opisyal ang namatay sa hanay ng puwersa ng pamahalaan.

Samatala, nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng Inabanga ng forced evacuation upang mailigtas sa kapahamakan ang mga residente doon.

 

Loading...