Alden Richards at Maine Mendoza, Posibleng Gawing Hosts Para sa Asian TV Awards

Larawan mula sa ALDUB's via Facebook pageLarawan mula sa ALDUB's via Facebook page

Ipinahayag ng pamunuan ng Asian TV Awards na ibig nilang gawing hosts ang phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza na napatanyag bilang “Aldub.”

Ayon sa Asian TV Awards, sinisimulan na nilang makipag-ugnayan sa mga manager ng sikat na loveteam upang maanyayahan silang maging mga hosts sa kanilang awarding ceremony ngayong 2017.

Ang Asian TV Awards ay inilunsad noong 1996 na naglalayong parangalan at kilalanin ang mga mahuhusay na Asian TV programs pagdating sa programming, production at performance.

Matatandaang naging host na rin ng naturang award-giving body ang Pambansang Bae na si Alden Richards noong 2015 kasama ang mga kilalang celebrities sa ibang panig ng Asya tulad nina Baki Zainal, Adrian Pang at Stephanie Carrington. Pagkatapos ng kanyang hosting, inasahan nilang muling magiging bahagi ng event si Alden sa mga susunod na taon, kasama ang katambal at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza.

Narito ang pahayag ng Asian TV Awards na naka-post sa kanilang Facebook page:

Our love affair with ALDUB began with we first supported Maine Mendoza in her KCA campaign in 2015. Remember? She won that by a mile!

 

Sa kasalukuyan, abala ang phenomenal loveteam sa kanilang US concert kasama ang JoWaPao na binubuo nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Sina Alden at Maine ay patuloy na mapapanood sa mga programa ng GMA Kapuso Network tulad ng Eat Bulaga, Sunday Pinasaya at ang kauna-unahang teleserye ng dalawa na Destined to be Yours.

Loading...