Andi kay Jake: “Hindi mo ba Alam kung Gaano Kahalaga ang Isang Ina sa Kanyang Anak?”

Larawan mula andieigengirl at unoemilio Instagram accounts

“Shouldn’t you know how important a mother is to a child? It has been years, and your first move as a dad is to take the child away from the mom to be raised by your yayas?”

[Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang isang ina sa kanyang anak? Ilang taon na rin, at ang unang mong gagawin bilang ama ay ilayo sa akin ang bata para palakihin ng iyong mga yaya?]

Naglabas muli ng mga bagong ‘tirada’ si Andi Eigenmann, aktres, laban kay Jake Ejercito, dati niyang kasintahan at anak ni Mayor Joseph Estrada, dahil umano sa paghain ni Ejercito ng joint custody petition sa kanilang 5-anyos na anak na si Ellie.

Sa Twitter post ni Eigenmann, sinabi niya na ‘walang-puso’ ang hakbang na ito ni Ejercito.

Ani Eigenmann, lahat ay posibleng gawin para sa pagmamahal sa anak kung kaya’t kinuwestiyon niya si Ejercito kung bakit ngayon lang niya ito ginagawa. Aniya, ito ba ay pagmamahal o paraan upang makapanakit?

 

Itinanong din ni Eigenmann kung ito ba ay desisyon talaga ni Ejercito.

Kinuwestiyon din ni Eigenmann kung paano magiging isang mabuting magulang si Ejercito.

Sinabi rin ni Eigenmann na ang pagsasama nila ni Ejercito ay tulad ng nasa “impyerno” at itinuring na ang kanilang failed relationship ang kanyang pinakamalaking pagkakamali, saad sa ulat ng ABS-CBN.

Si Eigenmann ay hindi natatakot na sabihin ang kanyang nararamdaman dahil masyado siyang nasasaktan.

Turan ni Eigenmann na mahirap mawalan ng anak, pero mahirap din mawalan ng isang ina. Aniya, mahal si Jake ng kanyang anak. 

Sa inisyal na ulat ng PEP, pursigido si Ejercito na ituloy ang inihain niyang petisyon.

Sa tingin umano ni Ejercito ay tama lamang na makasama ng isang anak ang kanyang ama at ito ay mahalaga sa formative years ng bata.

Ani Ejercito: “I think it’s only right for a father to spend time with his daughter. That’s very important for a child’s formative years.”

Dagdag pa ni Ejercito: “Hindi aabot sa ganito na magpa-file kami ng case kung nakakausap siya nang maayos.”

Source :

ABS-CBN, PEP, Twitter