Anniversary Prank? Kotse ng lalaki, tinadtad ng vandalism ng kanyang nobya

Larawan mula sa Facebook page ng The Straits Times

Tila na-shock ang isang lalaki matapos  i-vandalize ng kaniyang ng kasintahan ang kaniyang sasakyan bilang sorpresa sa pagdiriwang sa kanilang 10th anniversary sa Singapore.

Katatapos lamang mag-ehersisyo ni Mr Sim Yumin sa Bedok Reservoir Park nang makatanggap ito ng tawag na may naganap na ‘aksidente’ sa car park.

Agad namang nagtungo si Mr Sim Yumin sa car park at doo’y nakita niya ang kaniyang Nissan Silvia S15 na sasakyan.

May 50 metro ang layo niya dito nang kanyang mapansin na puno ng sulat o vandalism ang kaniyang sasakyan. Sino ba naman ang hindi magugulat?

Si Mr Sim, 36, na nagtatrabaho sa isang storage solutions industry, ay nagsabi sa The Straits Times, nitong Abril 21: “I just couldn’t walk. I was speechless. I was angry and scared at the same time. Who have I offended?”

[Hindi ako makapaglakad, hindi ako makapagsalita. Galit ako at natakot rin. Sino kaya ang nasaktan ko?]

Maya-maya pa’y may 15 katao ang biglang sumigaw ng: “Surprise!”  mula sa likod ng sasakyan nitong Abril 19 ng gabi.

Iyon pala’y plano ito ng kaniyang kasintahan na si Ms Shereen Tan, 29.

Sina Ms Shereen Tan at ang kaniyang mga kaibigan ang nag-vandalize sa sasakyan ng kaniyang boyfriend upang magkaroon sila ng kakaibang anibersaryo.

Batid ni Ms Tan na ang sasakyan na ito’y  ‘baby’ ng kaniyang kasintahan kaya naman sinabi niya sa painter sa car workshop na handa siyang magbayad para sa bagong pinta nito.

Sinakyan na lamang ng nobyo ang prank na ito ng kanyang nobya at tinawanan na lamang, ngunit pinahayag niya na: “At traffic stops, people took out their mobile phones, smiled and snapped away. I didn’t dare look at them. Now, I just can’t wait to get my car professionally painted.”

Samantala, inakala umano ng ilang mga netizens na ang Nissan na napintahang may katulad ng mga salita sa Prada Power, O$P$, Fat and Fabulous, ay na-vandalise ng mga loanshark runners. Kumalat ang mga larawan ng kanyang sasakyan na may ‘artwork’ sa Facebook at iba pang sites.