Arnel Pineda, Nakadaupang -palad ang Orihinal na Bokalista ng Journey na si Steve Perry  

Larawan mula sa Instagram ni Arnel Pineda

Natupad ang pangarap ni Arnel Pineda na makadaupang-palad ang original frontman ng bandang Journey na si Steve Perry noong Abril 7.

Ang nakaaantig na sandali ay naganap matapos ang induction ng Journey sa  seremonya ng Rock & Roll Hall of Fame sa Brooklyn, New York; ayon sa ulat ng ABS CBN.

One of the sweetest hug you can ever get from one of my heroes and silent mentors,” said Pineda as he shared on Instagram a photo of him embracing the music legend. “It means the world to me. Waited 35 years for this moment. Thank you Almighty God!”

 

Nagpahayag ng pasasalamat si Pineda kay Perry,  na walang ibang tugon kung hindi isang pasasalamat din sa pagpapanatiling buhay ng mga awitin ng Journey.

Ani  Perry: “I must give a complete shoutout to someone who sings his heart out every night, and it’s Arnel Pineda. Where are you, Arnel? Arnel, I love you.”

Si Pineda ay naging bokalista ng Journey simula noong 2007. Siya ay onboard sa pagganap ng banda sa induction ceremony sa pag-belt out ng awiting  “Separate Ways” at  “Don’t Stop Believing.”

Sina Arnel Pineda at Neil Schon ng Journey ang nagtanghal sa naturang induction ceremony.

Si Pineda ay hindi kasama sa mga miyembrong inducted sa Hall of Fame.

Magugunita noong Nobyembre 2016, sinabi ni keyboardist at guitarist Jonathan Cain sa Billboard na hindi patas na si Pineda ay na-snub.

There is no Journey without Arnel right now. He certainly has earned his stripes. He’s been with us longer than any lead singer has consecutively stayed in the band. He’s given us 10 years straight, not running off or doing this, doing that, just being The Guy. So that’s worth something,” ayon kay Cain.