Australia, Aalisin ang Temporary Work Visa sa mga Dayuhan

Public domainPublic domain

Aalisin ng Australia ang temporary work visa sa mga dayuhan at papalitan ng visa na nangangailangan ng mas mainam na English-language skill at kasanayan sa trabaho.

Ito ang ipinahayag ni Prime Minister Malcolm Turnbull nitong Martes.

Tinanggihan ni Turnbull ang mungkahi ng pagbabago sa polisiya ng visa bilang tugon sa ‘far-right wing’ na mga partidong pampulitika, tulad ng One Nation, na humihingi ng mas makabayan na mga patakaran.

Ngunit sa isang Facebook announcement ni Turnbull sinabi niya na ang reporma ay may simpleng pokus, ang trabaho at values ng Australian, ayon sa ulat ng GMA.

Ani Turnbull, ang pagbabago ng visa ay makahihikayat ng mas mahusay na mga manggagawa at makikita ang employed na Australians kaysa sa mga ‘mura’ na mga dayuhan na manggagawa na kasama sa ilalim ng lumang 457 visa program.

Ayon kay Turnbull, sila ay isang immigration na bansa at ang katotohanan ay mananatili na ang mga manggagawa na Australian ang dapat na prayoridad sa mga trabaho ng Australia.

Dagdag pa ni Turnbull, hindi na nila hahayaan ang 457 visas na maging pasaporte sa mga trabaho na dapat ay sa mga Australian.

Ang 457 visa ay dinisenyo upang punan ang kakulangan sa kasanayan ng Australia at upang hayaan na maidala ng mga dayuhan ang kanilang pamilya sa Australia sa pamamagitan ng 457 na secondary visa.

Subalit, ang 457 visa ay nasa mired controversy na may mga alegasyon na ang programa ay ginagamit nang mali ng mga employer upang makakuha ng mas mura na mga manggagawa kaysa punan ang tunay na skill shortage.

Ipahihinto na ang 457 visa class dahil nawawalan na ito ng kredibilidad,  ani Turnbull sa isang press conference sa Canberra.

Lahat naman ng nasa Australia na nasa 457 visa ay hindi maaapektuhan ng bagong patakaran, ayon sa ulat ng The Nation.

Ang 457 visa na ginagamit ng 95,000 na mga dayuhan na manggagawa ay papalitan ng bagong temporary visa at ang listahan ng mga trabaho na karapat-dapat para sa isang visa ay mababawasan ng higit sa 200.

Ang bagong visa ay magiging limitado sa dalawang taon at ang isang second four-year visa ay nangangailangan ng higher standard ng English language.

Mula 1901 hanggang 1973, hinigpitan ng Australia ang non-white immigration sa ilalim ng isang White Australia policy na nangangailangan ng English language test.