Batang may natutuklap na balat “Butterfly Disease”, kailangan ng tulong

Mga imahe mula sa FB account ni Ayra Joyce Imasa.

Kumakatok sa puso ng mga taong may mabuting kalooban ang isang anim na taong gulang na batang lalaki na natutuklap ang balat. Ang sakit ng bata ay “epidermolysis bullosa” o kilala rin bilang “butterfly disease.”

Ang batang may karamdaman ay si John Ruiz “Lucky” Imasa.

Ayon sa isang artikulo ng ABS CBN, si Lucky ay puno ng paltos. Madali rin umanong mairita ang bata dahil sa kondisyon niya ay madali itong masugatan.

Sabi ng ina ng bata na si Aira, ang anak niya ay madalas nasusugatan. Labis umano itong pahirap sa kanyang damdamin.

“Kapag nagdikit lang (kunot-noo) tapos parang sumigaw na po siya, normal na bata po tutulo luha, sa kanya dugo,” sabi ng ina ni Lucky, hinggil sa ulat ng ABS CBN News.

“Sensitive po siya sa init. Pag naiinitan, pag namula ‘yung balat niya, mamaya mamaso na,” dagdag pa ni Aira.

Saad ng doktor ni Lucky, sadyang mabilis masugatan ang balat ng bata dahil sa kanyang sakit.

“Ang epidermolysis bullosa ay blistering disease. Ibig sabihin, konting injury, scratch lang magbi-blister na kaagad,” sabi ni Dr. Maria Angela Labadia.

“We can give supportive care sa pag-aalaga ng wounds niya, prevent infection at very important ‘yung nutritional support,” dagdag Ng doktor ni Lucky.

[Maaari natin siyang bigyan ng supportive care sa pag-aalaga sa mga sugat para mapigilan ang impeksyon. Mahalaga rin na mabigyan ng masusustansiyang pagkain ang bata.]

Sabi ng ina ni Lucky, labis siyang nagpapasalamat sa mga una nang nag-abot ng tulong sa kanyang mahal na anak.

Kamakailan umano ay binilhan ng air conditioner ang kanyang anak. Ito umano ay para hindi maalinsanganan ang sensitibong balat ni Lucky.

Minsan nang naging beneficiary ng “Wish Ko Lang’ ang batang si Lucky.

Sa mga taong nais umanong magpaabot ng tulong, maaring magdeposito sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation sa BDO Account no. 5630050932, o maaari rin makipag-ugnayan sa 414-5431 o 414-1296.