Batikang aktor na si Jestoni Alarcon, faithful pa rin sa asawa

Imahe mula sa googleImahe mula sa google

Sa loob ng 25 na taon simula nang ikasal si Jestoni Alarcon, napanatili ng batikang aktor ang pagiging faithful sa asawa at hindi siya kailanman natsismis o na-link sa ibang babae.

Bagama’t aminado rin ang aktor na noong binata siya at contract star pa lamang ng Seiko Films noong 80’s hanggang 90’s, ay madalas siyang ma-link noon sa kanyang mga leading ladies. Gaya nina Rita Avila, Rachel Lobangco at Gretchen Baretto.

Ayon pa sa kanya, kapag mayroon daw siyang karelasyon noon ay stick to one lang siya at hindi na tumitingin pa sa ibang babae.

“Alam naman siguro ng lahat na never akong natawag na babaero or playboy noon, di ba?” pagbabalik-tanaw ng 52-anyos na aktor. “Oo, na-link ako sa mga naging leading ladies ko before. Pero hanggang doon lang ‘yon. After ng movie, wala na. Isa pa, may pribadong buhay kasi ako noon na hiwalay sa showbiz life ko. Kung sino ang karelasyon ko noon, walang masyadong nakakaalam, kasi tahimik lang ako noon. Unlike ngayon kasi, dahil sa social media, masyadong nae-expose ang mga artista sa kung sino ang dine-date nila,” dagdag pa niya.

Samantala, nagdiwang ng kanilang 25th wedding anniversary si Jestoni at ang kanyang non-showbiz wife na si Lizette noong taong 2016.

Ikinasal sila noong 1992 at biniyayaan ng tatlong supling.

“Nagpapasalamat ako kay Lord na umabot kami ng misis ko sa aming silver anniversary last year. Hindi naman smooth-sailing ang lahat. Dumaan din kami sa ilang mga problema na hindi nawawala sa mga mag-asawa. Kumbaga, normal naman ang tampuhan sa mag-asawa, di ba? Pero heto kami, masaya dahil we survived 25 years of our marriage,” proud na pahayag ng aktor. “May mga nagsabi sa akin before na dahil sa tagal ng marriage namin ni Lizette, naniniwala sila na may forever. Pero para sa akin, basta mahal ninyo ang isa’t isa at maayos ang pamilya ninyo, ‘yon na ang forever,” pagtatapos ng aktor na halata pa rin sa mukha ang labis na pagmamahal sa asawa.

Ilan pa kaya ang mga lalaking tulad niya na faithful pa rin sa asawa hanggang ngayon?

 

 

 

Source :

Pep, GMA