“Bawat tao mayroong pag-asa”: Dating Lulong sa Droga, Dating NPA, Nagbagong-buhay, Nagpatotoo

Public domainPublic domain

“Sana tingnan natin na bawat tao mayroong pag-asa. Ibig sabihin wala talagang moral evil na tao. Nagiging evil siya dahil may sinisira siyang kabutihan na natitira sa kanyang buhay. So iyong natitirang kabutihan, iyon ang iligtas natin. Iyon ang tulungan natin na maibalik siya sa tama.”

Ipinahayag ni Padre Wilmer Tria, kura paroko ng St. Jude, na lahat ng tao ay may pag-asang magbago. At kabilang sa mga nagbagong-buhay at nagpatotoo ang isang dating lulong sa droga at isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA).

Bahagi ng pitong nagsalita para sa “Siete Palabras” ng St. Jude Parish si Edward Yosores, isang dating lulong sa droga.

Nagsimulang malulong sa ilegal na droga si Yosores noong siya ay 9-anyos na tumagal ng mahigit na 20 taon.

Inilarawan ni Yosores na mahirap at madilim ang kanyang pinagdaanan ngunit nakuha niya ang liwanag at pag-asa nang makilala si Hesus sa pagpasok niya sa Fazenda da Esperança (Farm of Hope); isang rehabilitation center sa Milagros, Masbate sa edad na 30.

Mula sa pagiging drug dependent, naging misyonaryo na si Yosores at kasama niya ang kanyang asawa sa pangangasiwa sa Fazenda.

Bukod kay Yosores, nagsalita rin ang isang negosyante at dating miyembro ng NPA, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Ipinaliwanag ni Padre Tria, ang hatid na mensahe ng pagkamatay ni Hesus ay pag-asa sa bawat tao. Aniya, ang ‘pag-asa’ rin ang dapat na ibigay sa kapwa.

Source :

ABS-CBN, Facebook