Charice Pempengco at Alyssa Quijano, Hiwalay Na; Charice, lilisanin na rin ang Showbiz?

Public domain

Naghiwalay na ang magkasintahang sina Charice Pempengco at Alyssa Quijano matapos ang apat na taong pagsasama.

Ito ang kinumpirma ni Carl Cabral, manager ni Charice, sa text message na ipinadala nito sa ABS CBN.

Yes, Charice and Alyssa have broken up and it was a mutual decision,” ayon kay Cabral, bago idinagdag ang: “Charice is not accepting any interviews and now taking a break. He’s doing fine and he’s happy. Thank you very much.”

Nauna nang naiulat sa Pilipino Star Ngayon, na hiwalay na ang mag-live in partner at umalis na si Alyssa sa apartment na tinitirhan nila.

Dagdag pa nito na si Charice naman daw ay nakikitira na lamang sa isang fan niyang taga-Laguna.

Ayon din sa ulat, nakansela rin umano ang sana’y concert ni Charice: End of Chapter Rock Concert, na nakatakda sanang ganapin noong March 24, 2017, sa Kia Theatre.

Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kinansela ito ng producer.

Sa kaniyang Instagram account, inilarawan niya ang kaniyang sarili bilang “tired” bago isinulat ang: “I can’t anymore. I’m over it.” 

https://twitter.com/OfficialCharice/status/839823488378535938?ref_src=twsrc%5Etfw&ref_url=http%3A%2F%2Fnews.abs-cbn.com%2Fentertainment%2F04%2F26%2F17%2Fcharice-live-in-partner-break-up-after-4-years

May mga pahiwatig daw ang singer na ito’y aalis na sa showbiz na lubos namang ikinalungkot ng kaniyang mga fans.