[VIDEO] Cybersex den na ala-call center sa QC, bistado ng mga pulis!

Mga imahe mula sa isang Facebook video ng NEWS 5.Mga imahe mula sa isang Facebook video ng NEWS 5.

Sinalakay ng mga pulis ang isang cybersex den na nagpapanggap na call center sa  West Avenue sa Quezon City Miyerkules ng gabi, Abril 5.

Sa ulat ng News 5, bumungad sa mga pulis ang mga computer na ginagamit ng mga empleyado ng cybersex den nang pinasok nila ang isang unit sa One Executive building. May mga malalaswang videos at larawan pa umano na makikitang nakabukas sa mga computer.

Sampung empleyado ng cybersex den ang nahuli ng mga pulis. Ang sahod daw ng mga empleyado ay nasa P30,000 kada linggo; depende sa makukuhang komisyon.

Ayon sa mga pulis, modus ng kumpanya na magpanggap na sila ay call center, ngunit sila talaga ay nagbebenta ng pornographic links sa mga suki nila sa mga bansa sa Europa.

Panoorin ang siksik na ulat ng News 5 sa Facebook video na ito: