De Lima, Sinumbatan ang mga Kongresista ng LP sa Hindi Pagsuporta sa Impeachment ni Duterte

Larawan mula sa Davao Standard at Leila de Lima via Facebook pages

Sinumbatan ni Senador Leila De Lima ang mga Kongresista ng Liberal Party (LP) sa hindi pagsuporta sa impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulo Rodrigo Duterte sa House of Representatives.

Sa isang pahayag ni De Lima, sinabi niya na seryoso ang nakapaloob sa impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano kung kaya’t sana man lang ay nabigyan ito ng pagkakataon na mapakinggan.

Ani De Lima: “The accusations contained in the impeachment complaint filed by Magdalo Rep. Gary Alejano are serious enough to warrant, at the very least, the opportunity to be heard, and for the evidence offered to be carefully examined within the bounds of constitutionally-guaranteed processes.” 

Umaasa din si De Lima sa kanyang mga kapartido na pagtitibayin nila ang kanilang sinumpaan at lalabanan ang kalupitan at katiwalian ng pamahalaan sa paraan ng pagtatanggol sa batas, kalayaan at karapatang pantao, ayon sa ulat ng Abante.

Ayon kay Deputy Speaker Miro Quimbo, kalahati ng mga kongresista ng LP ang hindi sumuporta sa impeachment complaints na inihain laban kina Pangulong Duterte at Ikalawang Pangulo Leni Robredo.

Ani Quimbo, ang desisyon ay nangyari sa isang pulong noong nakaraang linggo, saad sa ulat ng GMA.

Samantala, dalawang pangkat ng mga abogado at kritiko ni Robredo ang nagpahayag sa social media na sila ay gagawa ng hiwalay na reklamo laban kay Robredo.

Source :

GMA, Abante