Duterte: Alvarez okay lang magkaroon ng maraming asawa dahil hindi naman Katoliko

Image from RMN Iloilo Facebook pageImage from RMN Iloilo Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Para kay Pangulong Rodrigo Duterte hindi na dapat gawing isyu ang pagkakaroon ng girlfriend ni Speaker Pantaleon Alvarez dahil hindi naman umano Kristiyano o Katoliko ang lider ng Mababang Kapulungan.

Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) crisis management center nitong Martes, sinabi ni Duterte na wala namang problema kung magkaroon ng ibang girlfriend si Alvarez kahit na mayroon itong legal na asawa at mga anak dito.

“That should be a non-issue, actually. Kung alam ba ninyo, Speaker Alvarez is not a Catholic. He’s just like me, his grandfather, Chinese. Ang nanay niya, Kalagan, Muslims. The Muslims of Davao. My lola is Maranao. I am half-Chinese, half-Maranao, but my father is a Cebuano,” kuwento ni Duterte.

“Ganun kami kaya kahit magsabi ‘yang Bebot na ‘yan na apat, lima, wala tayong magagawa. He never converted to Christianity, so he’s not bound by the rules of the number of women that you can have,” dagdag pa nito.

Dati nang ipinagtanggol ni Duterte si Alvarez sa mga kritisismo dahil sa pag-amin ng huli na mayroon siyang kinakasamang ibang babae at nagkaroon pa ng maraming anak sa iba.

Ayon sa Pangulo, ipokrito lamang umano ang mga mambabatas na nagsasabing wala itong mga kalaguyo.

“This is a world of hypocrisy. Sino ba walang babae dito,” sagot pa ni Duterte nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa posibilidad na ma-disbar si Alvarez.