Duterte, Hindi na Papayagang Makaulit ang Kadamay sa Muling Pang-aagaw ng mga Bahay

Imahe mula sa CGTN FB page.Imahe mula sa CGTN FB page.

Hindi na pahihintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maulit ang puwersahang pagkuha sa mga bahay na sana’y para sa mga pulis at sundalo sa Bulacan matapos isiwalat ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang planong pag-okupa sa mga housing projects ng gobyerno.

Hanggang diyan lang ‘yan sa Bulacan. Anarchy. Pero hindi na sila makaulit kasi next time that I will build the houses for the police and the [military]… Pabantayan ko na ng limang M60 pati bazooka. ‘Pag unang entrada pa lang, bitawan mo na. ‘T—ang ‘yan. Eh nagpapasensya lang ako, kasi mahirap lang rin ‘yan eh,” ayon sa panayam ng media kay Duterte sa  Camp General Artemio Ricarte sa Puerto Princesa, Palawan.

Kamakailan ay inihayag ni Duterte na pinayagan na niyang tumira ang Kadamay sa Bulacan. Ito ay upang maiwasan ang gulo sa pagitan ng security forces at ng mga militanteng grupo.

Iyong pabahay ninyo inagaw kasi ng mga pobre rin katulad natin. But those are the guys na ginagamit ng Left and they are into such anarchical activities at hindi ko naman puwedeng mapilit na paalisin doon kasi iyong ibang awardees, pulis pati military. Ang problema, nandoon na iyong iba,” ayon kay Duterte.

Sinabi ko ito ibigay ko. Huwag na ninyong ulitin. Nandiyan na eh. Para ‘yan sa mga sundalo. Eh ‘pag mga pulis, pagdating nila ‘yung unit nila, ayaw mong, ayaw kong lumabas diyan. Eh kung pagbabarilin ka. Squatter ka eh,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, pinayuhan na lamang nito ang mga sundalo na ibigay na lamang sa kanila ang mga bahay sa Bulacan dahil sila iyong may armas at ang kabila ay mga maralita.

Kaya sabi ko, ‘If this thing will continue tapos hintuin pa ng sundalo at pulis, baka may mapatay pa diyan,’” saad pa nito.

Muli namang inulit ng Pangulo ang planong  mas mainam na housing projects para sa mga sundalo; ayon sa ulat ng GMA.

Itong ibigay ko sa inyo, may tubig na, may electricity, at baka kung may pera uli ako, furnished house. Iyong mga simple lang na ano—just to make a start of it. Mura naman ang galing China,” anang Pangulo.

“Huwag na kayong magsama ng loob, total ibigay naman natin sa kapwa Pilipino natin eh, tsaka mahirap rin… Hayaan n’yo iyong mga gagong palailog, mang-aagaw. Kandila lang sa kanila,” dugtong pa nito.