Duterte, Inatasan ang Agarang Pag-release ng P6 Bilyon Retirement Pension ng mga Beterano

Image from Presidential Communications OfficeImage from Presidential Communications Office

Inatasan ni  Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of National Defense (DND) sa agarang pagre-release sa  AFP’s retirees pension credentials na nagkakahalaga ng mahigit P6.421 billion.

I am directing DBM and DND to expedite the early release of AFP retirees’ pension,” pahayag ni Duterte.

Saklaw ng direktibang ito ang  fiscal years 2008 hanggang 2013; ayon sa ulat ng GMA.

Ang anunsiyong ito ay ginawa ni Duterte bilang  paggunita sa  ika-75  “Araw ng Kagitingan” na isinagawa sa Mount Samat National Shrine sa Bataan.

Lubos namang ikinatuwa ng mga beterano ang pahayag na ito ng Pangulo dahil malaking tulong ito upang  matustusan ang  kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Walang mapagsidlan sa katuwaan ang mga dumalong beterano at labis silang nagpapasalamat sa Pangulo sa magandang balita.

Binibigyang prayoridad niya  ang entitlements ng mga beterano, sapagkat ang mga surviving veterans ay labis nang naghirap, ayon kay Duterte.

We are prioritizing your [veterans] entitlements. Our surviving veterans have suffered much. They should not suffer more,” ani Duterte.

Mabuhay ang beterano! Mabuhay ang Pilipinas!” dagdag pa ni Duterte.

Sinaluduhan ni Duterte ang mga beterano, aniya: “Saludo ako sa inyo, sir.”

Bago umalis, sinabi niyang: “Sana may giyera rin para ma-hero kami.”

Inihayag din ni Duterte na magkaalyado na ang Pilipinas at Japan lalo na sa pagsusulong ng kapayapaan at pagbabago.