Duterte: Kung ‘di maibalik ang ROTC, compulsory military service sa lahat ng kabataan isusulong

Image from Security Matters Magazine

Muling inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano niyang ibalik ang Reserved Officer Training Corps program o ROTC. Ipinaliwanag rin niya kung paano makatutulong ang nasabing programa sa mga darating na henerasyon.

Ayon sa GMA, nagbabala ang Pangulo na kung haharangin ang kanyang plano ay malamang na ang ipatupad niya sa bansa ay “conscription” o compulsory military service para sa lahat ng kabataan ng bansa tulad ng ginagawa sa Estados Unidos, Israel at ibang bansa sa Asya tulad ng Singapore, Hong Kong at South Korea.

“You have to go back to ROTC . Kasi ‘yung mga ROTC, ‘yun ‘yung may training. Reserve officers nga, eh. Because if there is really violence, anarchy, ang makakaalam niyan ang marunong mag-handle ng M-16… ‘yung ROTC. ‘Yun, sila ang mag-guide sa mga civilian na walang alam,” wika ni Pangulong Duterte sa harap ng mga atleta sa opening ceremony ng 2017 Palarong Pambansa sa Antique.

“Bakit mo tanggalin ‘yung ROTC? Eh, kung magkagulo tayo, ang ROTC ang magtuturo sa civilian paano maghawak ng baril, paano mag-load ng magazine, paano mag-repair, and how to fight. Or would you rather na I come up with a law that would conscript you? You know what is conscription? You are required by the government — gaya ng Israel, Hong Kong, Indonesia, Singapore, Malaysia — you are required to undergo military training. Compulsory,” dagdag pa niya.