Duterte: “Marcos, Hindi Maaaring Maitalagang DILG Secretary”

Public domain

Hindi maaaring maitalaga bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos; ito’y ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Duterte, pending pa ang electoral protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo at hindi niya inaasahang aabandunahin ito.

I don’t think so. He would abandon his appeal eh. Mabitiwan niya when you are appointed to a position, mawawala,” ani Duterte.

Saad pa ni Duterte na naghahanap ito ng susunod na DILG Secretary matapos sibakin sa puwesto si Secretary Ismael Sueno sa puwesto nitong Abril 3 dahil sa diumano’y alegasyon ng korapsiyon.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, epektibo agad ang pagkakaalis sa puwesto ni Sueno simula nang ihayag ito ng Pangulo. Itatalaga ang officer-in-charge pansamantala.

President Rodrigo Roa Duterte has dismissed Department of Interior and Local Government Secretary, Mr. Ismail Sueno, citing loss of trust and confidence,” ayon kay presidential spokesman Ernesto Abella.

Inihayag ang pagkakasibak kay Sueno sa huling bahagi ng kanilang  14th Cabinet meeting, ayon sa ulat ng  GMA.

Ayon sa mambabatas, ang pagkakasibak kay Sueno ang siya namang pagbubukas ng posibilidad na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na kaibigan ni Duterte ang maitatalaga bilang DILG chief.

Ayon sa ulat ng GMA, ang kawalan ng kumpiyansa at tiwala at diumano’y korapsiyon  ang sinabing dahilan ng Palasyo sa pagkakatanggal kay Sueno sa gabinete.

Sec. Sueno’s firing will pave the way for the appointment of the former dictator’s son and namesake to the DILG (Department of Interior and Local Government) post,”  tinuran naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin.

[Ang pagkakatanggal sa puwesto ni Sueno ang magbibigay daan kay Bongbong Marcos sa DILG post.]

Source :

GMA, CNN, Inquirer