Duterte, Muling Itinalaga ang mga Na-bypass na Miyembro ng Gabinete

Imahe mula sa Facebook page ng ABS CBNImahe mula sa Facebook page ng ABS CBN

Muling itinalaga ng Malacañang nitong Abril 17 ang mga miyembro ng Gabinete na na-bypass ng Commission on Appointments (COA).

Ayon sa Executive Secretary Salvador Medialdea, nag-isyu na umano si Pangulong Duterte ng  ad interim appointments sa mga sumusunod na miyembro ng Gabinete:

  • Secretary Regina Paz Lopez, Department of Environment and Natural Resources
  • Secretary Rafael Mariano, Department of Agrarian Reform
  • Secretary Judy Taguiwalo, Department of Social Welfare and Development
  • Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, Department of Health

Ayon sa ulat ng SunStar, hindi pa kinumpirma ng CA ang pagkakatalaga sa mga naturang miyembro ng Gabinete bago ang session break ng Kongreso mula Marso 18 hanggang Mayo 1.

Nagsumite rin si Duterte sa CA ng mga listahan ng mga itatalaga bilang Department of Foreign Affairs at Department of National Defense kabilang si Adnan Alonto bilang envoy sa Saudi Arabia at Joseph Yap bilang Philippines’ ambassador sa Singapore.

Kamakailan ay tiniyak ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang mga na-bypass na  Cabinet Secretaries ay muling itatalaga sa kanilang puwesto dahil malaki ang tiwala sa kanila ng Pangulo.

Source :

SunStar, ABS CBN, GMA