Duterte sa mga Sundalo, Pulis na Inagawan ng Bahay:  “Hayaan na lang sa Kadamay”

Imahe mula sa video ng GMA News

Handa nang ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)  ang mga pabahay na  pilit pinasok  at inagaw sa mga pulis at sundalo sa Bulacan.

Sa naging talumpati ni Duterte sa ginanap na Philippine Army’s 120th Founding Anniversary sa Fort Bonifacio, sinabi nitong hindi pagkakamali ng mga illegal settlers na sila’y mahirap; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Dagdag pa niya, hiniling niya sa mga pulis at sundalo na pabayaan na lamang ang 5,000 units sa 6 housing projects sa Bulacan dahil hiniling na rin niya sa National Housing Authority (NHA) na magtayo ng mas mainam na pabahay para sa kanila sa Disyembre.

 “And I will ask you soldiers and the policemen, bitawan na lang ninyo ‘yan, ibigay na lang natin sa kanila, tutal mahirap sila,” ani Pangulong Duterte.

Ngayon ‘yung Kadamay, ibigay ko na lang ‘yan sa inyo huwag n’yo na paalisin ‘yung mga sundalo pati pulis na andyan na. But eventually they will be removed and transferred into a new na mas maganda pa sa inyong inagaw para ‘di kayo mag-ano.”

Kamakailan ay tinawag ni Pangulong Duterte na anarkiya ang ginawa ng Kadamay at dapat silang paalisin sa mga inagaw na bahay.