Flora Vida by Marian, bukas na!

Mga imahe mula sa YouTube at InstagramMga imahe mula sa YouTube at Instagram

Matapos ang mahabang preparasyon, bukas na sa wakas ang flower shop na pag-aari ng kilalang aktres na si Marian Rivera — ang Flora Vida.

“Flora Vida by Marian is an online flower shop specializing in preserved flower arrangements. I personally prepared and designed all flower arrangements,” wika niya.

[Ang Flora Vida by Marian ay isang online flower shop na nakatuon sa preserved flower arrangements. Ako mismo ang naghanda at nagdisenyo ng lahat ng flower arrangements.]

Ayon sa Abante, sinigurado ni Rivera na siya talaga ang personal na magdidisenyo ng ayos ng mga bulaklak. Sa mga post naman ng kanyang asawang si Dingdong Dantes, halatang proud ito sa new business venture ng aktres sapagkat lagi nitong pinopost ang Flora Vida.

Kakaiba raw ang mga bulaklak ni Rivera kung kaya’t hindi nakapagtatakang mamahalin ito. Hindi raw ito kagaya ng ibang bulaklak na araw lang ang binibilang ay lanta na.

Dagdag pa niya, 100 percent naturally-preserved flowers ang kaniyang gamit at maaari itong magtagal hanggang dalawang taon kung maaalagaan nang mabuti.

Soft opening

Kahit noong hindi pa nagbubukas ang Flora Vida, may mga nag-order na kay Rivera at isa na dito si Gerald Sibayan, kasintahan ni Ai-Ai delas Alas. Sa katunayan, gawa ni Rivera ang dala ni Sibayan noong nag-propose siya kay Delas Alas.

Habang nasa soft opening pa lamang ang kaniyang negosyo, tatanggap ng orders ang aktres hanggang sa susunod na linggo, April 28; at muli, sa darating na May 17. Makikita ang mga disenyong maaaring bilhin sa Instagram account na @floravidabymarian.

Flora Vida

Ang Flora Vida  ay regalo ng asawa ni Rivera na si Dantes, dahil batid nito ang pagkakahilig niya sa mga bulaklak kung kaya’t isinakatuparan nito ang pangarap ng aktres na magkaroon ng sariling flower shop.

Ayon pa kay Rivera, sobrang hilig daw niya sa bulaklak at kinikilig pa siya kapag kinukuwento niya sa iba na iyon ang gusto niya, kaya labis siyang nagpapasalamat sa kanyang napaka-supportive na asawa.

“Ganoon ka-sweet ang asawa ko. Binibigay niya ang lahat kahit busy siya sa commitments niya, hindi niya nakakalimutan ‘yung mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Tinupad niya talaga ang pangarap ko,” masayang wika niya.

Rojo y blanco #FloraVidabyMarian

A post shared by Flora Vida By Marian 💐 (@floravidabymarian) on

Source :

Abante, GMA, DF, Instagram