Hanggang Hunyo 15 ang taning sa mga pulis at sundalo para okupahan mga pabahay ng NHA

Image capture of video by ANC

Binigyan ng National Housing Authority (NHA) ng deadline na hanggang ika-15 ng Hunyo para okupahan ng mga benepisyaryong pulis at sundalo ang mga na-award sa kanilang housing units sa Bulacan.

Ayon sa ulat ng Rappler, sinabi umano ni NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. kung hindi ookupahan ng mga pulis at sundalo ang mga ibinigay sa kanilang pabahay ay ipamimigay na lang ang mga iyon sa mga maralitang pamilyang taga-lungsod.

“We have finally set a deadline of May 30 to June 15 for the occupancy. Whether or not the beneficiaries would want to occupy them, if they are not occupied after June 15, we might as well give it to Kadamay,” ani Escalada.

[Itinalaga na namin ang Mayo 30 hanggang Hunyo 15 para sa pag-ookupa, sa ayaw at sa gusto man ng mga benepisyaryo na okupahan ang mga iyon. Kung hindi pa iyon okupado makalipas ang Hunyo 15, ipamimigay na lang namin iyon sa Kadamay.]

Tinitingnan rin ng NHA ang mga public school teachers, barangay officials at informal settlers bilang posibleng benepisyaryo ng pabahay.

 

Source :

Rappler, Philstar