[VIDEO] Hustisya, sigaw ng isang inang OFW matapos ‘pagsamantalahan at maltratuhin’ ng kanyang asawa ang sarili nilang anak sa Jeddah

Mga imahe mula sa isang Youtube video.Mga imahe mula sa isang Youtube video.

Hustisya! Ito ang sigaw ng isang inang overseas Filipino worker (OFW) matapos niyang malaman ang malagim na sinapit ng kanyang anak na babae. Ang dalagita, ayon sa principal nito, ay nagsumbong na siya ay hinahalay at sinasaktan ng kanyang ama.

Ayon sa ulat ng GMA News, nananawagan ngayon ng hustisya si Bliss Mendoza matapos mamatay ang kanyang 12 na taong gulang na anak.

Nilabas umano ng ospital ng kanyang ama ang bata kahit ito ay labag sa payo ng mga doctor. Dahil dito ay namatay ang kanyang anak noong Marso 20.

“Dehado ako dahil kailangan ng signature galing sa akin para i-contest ang decision niya to discharge my daughter against medical advice. So nananalangin na lang po ako,”sabi ni Bliss.

Si Bliss noon ay nasa Canada at nagtratrabaho. Pero nang malaman niyang na-ospital ang anak niya, siya ay agad na umuwi sa Pilipinas. Inasikaso niya  ang kanyang  mga papeles patungong Jeddah, Saudi Arabia.

Sa ulat ng Kicker Daily, inaresto umano ang asawa ni Bliss sa Jeddah. Ngunit, ayon sa mga bagong ulat, ito ay malaya na ngayon. Saad niya, pinakawalan din ang kanyang asawa dahil sa “kakulangan ng reklamo.”

Panoorin ang ulat ng GMA News hinggil dito na ibinahagi sa Youtube: