Isa na namang miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa militar

Image capture of video by Armed Forces via YouTubeImage capture of video by Armed Forces via YouTube

Isang kasapi ng kinatatakutang Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa militar nitong Sabado, ika-8 ng Abril, sa bayan ng Tipo-Tipo sa Basilan.

Ayon sa ulat ng Inquirer, kinilala ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., Wesmincom commander, ang bandidong sumuko na si Ferdauz Asgari, isang tagasunod ng ASG sub-leader na si Nurhassan Jamiri.

Si Asgari, alyas Mammong, ay kusang sumuko sa tropa ng 74th Infantry Battalion ng Joint Task Force Basilan. Isinuko rin niya ang kanyang baril na caliber .30 M1 Garand rifle at mga bala. Pagod na umano ang bandido sa sunud-sunod na operasyon ng military laban sa ASG.

Pinuri ni Galvez ang ginawang pagsuko ng bandido at umaasa raw siya na sana ay marami pang Abu Sayyaf member ang sumunod sa ginawang pagsuko ni Asgari.

Bukod kay Asgari, may ilan na ring mga miyembro ng ASG ang nauna nang sumuko sa military.

Ang pagsuko ng mga miyembro ng teroristang grupo ay patunay lang umano na epektibo ang military pressure na ginagawa ng mga sundalo laban sa mga bandido.

 

Loading...