Isang 24-anyos na construction worker, nagbigti

Imahe mula sa GoogleImahe mula sa Google

Manila, Philippines  —   Natagpuang nakabigti sa kanyang tinutuluyang bahay kahapon ng madaling araw sa Quezon City ang 24-anyos na construction worker. Si Renil Molina na stay-in sa No. 76 MH del Pilar Brgy. San Antonio ng nasabing lungsod ay natagpuang wala nang buhay, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Anang kasamahan niya sa trabaho na si Alfredo Gregorio, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang madiskubre niya ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang palikuran (comfort room).

Gitla man sa natuklasan, agad pa ring ipinagbigay-alam ni Gregorio sa kasamang si Joel Matti ang nakita at saka nila ito ini-report sa pulisya.

Matapos ang masusing pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), natuklasan nila na may marka sa leeg ng nasawi, ngunit walang palatandaan ng anumang sugat o pasa sa katawan. Wala rin silang nakita na anumang bakas ng panlalaban mula sa biktima kung may naganap mang foul play dito.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang pulisya sa kanilang imbestigasyon at inaalam pa nila ang tunay na motibo ng biktima kung bakit ito nagpakamatay. Hindi rin nila isinasara ang posibilidad na may nangyaring foul play sa nasabing insidente.

Lagi nating isaisip na kahit gaano man kalaki ng dagok na dumating sa ating buhay, pahalagahan at pakaingatan natin ang ating buhay na hiram natin sa Poong Maykapal.

– – –

Kung may napapansin kayong kakaibang depresyon sa isang kaanak o kaibigan na posibleng nag-iisip magpatiwakal, tumawag sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o sa Manila Lifeline Center [0917-854-9191, (02) 8969191].

 

 

Source :

Philstar