James to Bimby: Narito ako lagi para sa ‘yo, ‘di man tayo magkasama araw-araw

Mga imahe mula sa InstagramMga imahe mula sa Instagram

Narito ako palagi para sa ‘yo kahit hindi man tayo magkasama araw-araw.

Ito ay isang bahagi ng birthday message ni James Yap para sa kanyang anak na si Bimby. Sa pamamagitan ng Instagram video, binati ni James ang anak niya kay Kris Aquino na nagdiwang ng 10th birthday nito.

“Happy 10th birthday Bimb! Andito lang ako lagi para sa ‘yo. Kahit ‘di man tayo magkita o magkasama araw-araw, lagi mo tatandaan na papa loves you so much. I will always be with you to support and love you!” saad ni James sa caption ng video.

Mapanonood sa video ang bonding moments ng mag-ama. Nakakuha na ito ng mahigit 75,000 views.

Samantala, kasalukuyang nasa Amerika ang mag-ina, at isang litrato nila ni Bimby ang ipinost ni Kris para sa kaarawan ng kanyang anak.

“10 years ago you came into this world- suddenly 1 human being made our lives brighter, funnier, happier, more inspiring, more gratifying, more colorful, and more meaningful. Everyday you bring us wisdom, adventure, optimism, and laughter,” aniya.

Panoorin ang video na ibinahagi ni James Yap sa Instagram para sa kaarawan ni Bimby: