Justin Alva Bilang Bob Marley, Nagwagi sa Week 13 ng YFSF Kids Edition

Mga larawan mula sa You Tube

Itinanghal na weekly winner ang  young singer na si  Justin Alva sa week 13 ng kiddie edition ng  “Your Face Sounds Familiar.”

Si Alva ay tumanggap ng 24 points sa kaniyang pagganap bilang Bob Marley at nag-uwi ito ng P50,000 at P50,000 halaga ng bag para sa Childhope Asia Philippines; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Ang isang salita na pwede kong gamitin is eksakto. Energy level mo, eksakto. ‘Yung boses mo, eksakto. ‘Yung make up mo, eksakto. Ang husay,” ani Gary Valenciano sa pagganap ni Alva.

Naghihintay talaga kaming tatlo ng breakthrough mo, at wow, ngayon dumating. And I am so happy and so proud of you. Congratulations, Justin, well done. You made it,” dagdag naman ni Ogie Alcasid.

Samantala, nasa ikalawang puwesto si Xia Vigor na may 19 points sa kaniyang pagganap bilang  Emma Bunton, at si Sam Shoaf naman, bilang George Michael, ay may 17 points at nasa ikatlong puwesto.

Para sa grand showdown sa susunod na linggo, ang walong kalahok ay gaganap bilang mga artist na sila mismo ang pipili.

Si Elha Nympha ay kasalukuyang nangunguna na may 229 points, habang si Sam Shoaf ay may 214 points, AC Bonifacio ay may 212 points, Awra Briguela na may 208 points at Alva na may 204 points.

Panoorin ang video na ito mula sa You Tube:

 

Source :

ABS CBN, You Tube