Kadarating Lamang ng Bansa, Negosyanteng Hapon Patay Matapos Tambangan ng Riding in Tandem

Imahe mula sa Twitter ng DZBB

Nasawi ang isang negosyanteng Hapon matapos tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem sa Roxas Boulevard kanto ng Pedro Gil Street sa Maynila ang sinasakyan nitong van dakong  9 p.m. nitong Abril 20.

Ang napaslang na Hapon ay kinilalang si Mizuno Seiki, 48.

Anim  umano ang sakay ng van kabilang ang apat na Hapon at dalawang Pilipino, ayon sa paunang imbestigasyon.

Sa ulat ng ABS CBN, sinabing si Seiki ay galing umano sa isang restaurant sa Maynila at pabalik na ng kanilang hotel sa Pasay nang maganap ang insidente.

Sugatan rin ang isa sa mga Pilipinong biktima na si John Desbarro, na nagtamo ng sugat sa ulo.

Hindi pa malinaw ang motibo sa naganap na pananambang.

Napag-alamang kadarating ng bansa ni Seiki.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Nitong Abril 19, , isang lalaki at isang babae ang nasawi matapos ding pagbabarilin sa loob ng kanilang sasakyan ng riding in tandem sa Tondo, Maynila.

Matapos ang insidente nakitang nakayakap ang lalaki sa biktmang babae na tila tinangka umanong protektahan ito sa tama ng bala.

Source :

ABS CBN, GMA, GMA