Kahanga-hanga! Sa Kabila ng mga Pagsubok sa Buhay, Pinay nagtapos na Cum Laude sa JRU

Larawan mula sa post ni Erica Mae Rosales via Facebook accountLarawan mula sa post ni Erica Mae Rosales via Facebook account

“Growing up with the absence of guidance, care, and love from my own parents, it was agonizing and difficult to its greatest extent. But having a broken family brought out the best in me.”

Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, isang Pilipina ang nagtapos sa Bachelor of Science  in Information Technology bilang Cum Laude sa Jose Rizal University (JRU).

Ibinahagi ni Erica Mae Reyes Rosales ang kanyang kuwento sa kanyang Facebook account upang magbigay ng inspirasyon sa iba.

Bata pa lamang umano si Erica nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Kapwa rin walang hanapbuhay ang mga ito.

Ani Erica, mahirap ang broken family. Nakaranas din siya ng pambu-bully sa kanyang mga kaklase.

Lumaki si Erica sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Ngunit, naging miserable ang kanyang buhay nang mamatay ang kanyang lolo na tinuturing niyang ama.

Nasa Science class si Erica noong siya ay nasa elementarya at nagtapos ng 6th honorable mention. Nakapasok naman siya sa Department of Science and Technology (DOST) Science class noong high school.

Bago magkolehiyo si Erica ay muli siyang hinamon ng buhay nang umalis ang kanyang lola upang magbakasyon sa Canada. Naiwan si Erica sa kanyang ina at gipit na gipit sila noon.

Sa kabutihang palad, nakakuha si Erica ng scholarship exam sa JRU at nabigyan ng full academic scholarship.

Ang tiya niya umano na nasa Canada ang sumagot sa kanyang miscellaneous fees sa JRU.

Habang nasa kolehiyo si Erica, na-diagnose siya na may scoliosis. Tiniis niya ang hirap sa pangangatawan makapagtapos lamang ng pag-aaral.

Sinabi rin ni Erica na muntik silang bumagsak sa thesis noong nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo. Aniya, halos gumuho ang kanyang mundo ngunit dahil sa awa at habag ng Panginoon ay naka-survive sila.

Sa huli, pinasalamatan ni Erica ang Diyos at ang mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay, ayon sa ulat ng KAMI.

Ani Erica, ang kanyang medalya at diploma ay isang tunay na testimonya ng kanyang buhay.

Source :

KAMI, Facebook

Loading...