Kaso ni Mary Jane Veloso, maaaring pag-usapan nina Pangulong Duterte at Indonesian President Widodo

Image from Psst! PH

Maaaring pag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang kaso ni Mary Jane Veloso, ang OFW na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia noong 2010 matapos mahulihan ng mahigit dalawang kilo ng heroin.

Binanggit sa isang artikulo ng ABS-CBN na ayon umano kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, maaaring mapag-usapan ng dalawang lider ang kaso ni Veloso sa pagbisita sa bansa ng Indonesian leader para sa ASEAN Summit.

Sa isang panayam naman kay President Widodo ni Karen Davila ng Headstart ng ANC, sinabi ng lider ng Indonesia na hindi niya inaalis ang posibilidad na mabigyan ng clemency si Mary Jane Veloso, pero dedepende raw iyon sa mga batas na umiiral sa kanilang bansa at sa desisyon ng korte.

Ani Widodo, nirerespeto niya ang karapatan ni Veloso at alam niya na may kaso ring kinahaharap ang OFW sa Pilipinas kaya naman sinabi niya na napakaimportante ang kooperasyon sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas para sa ikalulutas ng usapin tungkol kay Mary Jane Veloso.

Source :

ABS-CBN, Inquirer