Katy Perry Umani ng Batikos dahil sa Instagram post niya na larawan ng Hindu goddess

Imahe mula sa Instagram ni Katy PerryImahe mula sa Instagram ni Katy Perry

Nagprotesta ang mga Indian fans ng singer na si Katy Perry  dahil sa post nito sa Instagram na Hindu goddess.

Noong huwebes, nagpost si Perry ng imahe ni Kali, isang Hindu deity of death at motherly love na may caption na “current mood”. Dahil dito, marami ang umalma at nagalit sa tila kawalan ng respeto ni Perry sa nasabing Hindu goddess.

Anang isang komento galing sa isang netizen: “Expressing your mood by posting a pic of any religious God is wrong.”

Nagpahayag din ang ilan na hindi katanggap-tanggap ang kanyang post at mahal umano nila ang singer ngunit pinayuhan siyang maging mas magalang at magbigay ng respeto; “Appropriating a religious figure as an Instagram meme is disgusting. I love you, but be more respectful.”

Ilan din sa mga Instagram users ang nagsabi na malaki ang interes ni Perry sa Indian culture at Hinduism.

Saad ng isang netizen: “I really appreciate your interest regarding Hindu religion. Loads of love from India.”

current mood

A post shared by KATY PERRY (@katyperry) on

Samantala, ang 32-anyos na si Perry ay nagpakita rin noon ng paghanga sa ilang Hindu customs. Katunayan, nagpakasal siya sa ex-husband na si Russell Brand sa Rajasthan, India noong 2010 at nagpalagay din siya ng Sanskrit tattoo na “Anuugacchati Pravaha” na ang ibig sabihin ay “Go with the flow”, ayon sa The Indian Express.

Nagbahagi rin siya tungkol sa kanyang Christian upbringing sa panayam ng Vogue para sa kanilang Mayo 2017 isyu.

Aniya: “My house was church on Sunday night, church on Wednesday evening. You don’t celebrate Halloween. Jesus gives you your Christmas presents. We watch Bill O’Reilly on TV. That was my whole childhood and youth, and early teens. I still have conditioned layers dropping off of me by the day.”

Sa ngayon, iwas muna si Perry hinggil sa isyung ito. At ayon pa sa singer, wala naman daw itong masamang intensiyon sa naging post sa Instagram.

Noon lamang Pebrero, naglabas si Perry ng kanyang pinakabagong pop hit na “Chained to the Rhythm”, kung saan kasama niya ritong nagsulat ang Australian singer-songwriter na si Sia.