Kilalanin! Ang kahanga-hangang HIV Positive Horcelie Sinda Wa Mbongo na itinanghal bilang Miss Congo UK 2017

Image by Miss Congo Beauty pageant UK Facebook page

Itinanghal na bagong beauty Queen si Horcelie Sinda Wa Mbongo, sa Miss Congo UK pageant na ginanap sa Stratfold Town Hall noong Abril 1.

Isinilang at lumaki sa Democratic Republic of Congo si Horcelie, ngunit sa edad na 11 ay nabatid na ito ay positibo sa sakit na HIV o human immunodeficiency virus simula pa nang isinilang. Sa ngayon ay nag-aaral ito sa London at kumukuha ng kursong Fine Arts degree sa kabila ng sakit na habambuhay niyang papasanin.

Aniya, plano niyang bumalik sa Congo upang tumulong sa kampanya laban sa HIV at AIDS, na pangungunahan ng grupong “Youth Stop Aids”, na ang misyon ay tulungan ang mga kabataan na makaiwas sa ganitong sakit at makatulong sa mga gaya niyang HIV-positive.

Dagdag pa ni Horcelie na lubos na nagagalak sa tagumpay na nakamit; “Masaya ako sa tagumpay na ito na kahit papaano’y may naitulong na malaki sa buhay ko. Ang kuwento ko ay nagbigay inspirasyon sa mga tao at ‘yun ang pinakamahalaga sa lahat na babaunin ko habang ako’y nabubuhay sa mundong ito.”

Umaasa din si Horcelie na mas marami pang tao ang gagawing motibasyon ang kanyang kuwento na sa kabila ng iniindang sakit, ay huwag na huwag tayong susuko o panghihinaan ng loob na abutin ang ating mga pangarap.

Kahanga-hanga at tunay na ihemplo sa mga kabataan ang isang tulad niya!

Panoorin ang aktuwal na video sa ginanap na coronation night ng Miss Congo UK:

Panoorin siya sa video na ito na ibinahagi ng Facebook page Miss Congo Beauty Pageant UK 2017: