La Mesa Dam nasa red code status matapos bumagsak ang lebel ng tubig

Image by Paez LopezImage by Paez Lopez

Ang water level ng La Mesa Dam, ang pinakamalaking water reservoir ng Metro Manila, ay bumagsak sa mas mababa pa sa normal nitong lebel, ayon sa isang water source engineer.

Ayon sa ulat ng Abante, inilagay na sa red code status ang dam dahil sa pagbagsak ng water level nito na umabot sa 78.4 meters ngayong Huwebes, ika-20 ng Abril.  Ang normal water level ng naturang water reservoir ay 79.3 meters.

Sinabi ni water source engineer Ariel Tapel na ang dahilan ng pagbagsak ng water level ay ang high demand sa tubig. Aniya, karaniwang bumabawa ang lebel ng tubig sa tuwing sasapit ang tag-init, pero hindi raw pangkaraniwan na bumaba iyon ng mas mababa pa sa normal water level.

Nananawagan si Tapel sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig upang hindi magkaroon ng kakulangan sa water supply. Dapat rin umanong ipagbigay-alam sa kanilang opisina ang mga water leaks at illegal connections.

 

Source :

Abante, ABS-CBN