Lalaki na naaktuhang nagnanakaw ng motorsiklo, patay matapos manlaban sa pulis

Image from Guns and Leads Image from Guns and Leads

Patay ang isang lalaking nagnanakaw ng motorsiklo matapos niyang makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Isabela.

Namataan noong Martes ng madaling-araw, ika-11 ng Abril, ang 43-anyos na si Felizardo Taguiam, Jr na lulan ng tinangay niyang motorsiklo, may plakang BD-17527, na pagmamay-ari ng isang Marlon Gabuyo ng Alibagu, Ilagan, Isabela.

Agad namang naisumbong sa mga awtoridad ang pagnanakaw kaya mabilis na nakaresponde ang mga pulis na humabol sa suspek. Nang masukol si Taguiam sa kahabaan ng national highway sa Barangay San Juan, pinaputukan nito ang mga pulis, na agad namang gumanti ng putok.

Ayon sa Inquirer, sinabi ni Supt. Manuel Bringas, hepe ng Isabela police provincial investigation section, na may nauna nang kasong kinahaharap ang suspek kaugnay sa pagpatay sa isang Donald Cabansag noong ika-20 ng Pebrero ng kasalukuyang taon.

Dinala sa isang punerarya ang bangkay ni Taguiam kung saan ito kinilala ng kinakasamang si Racquel Baluna.

 

Source :

Inquirer

Loading...