Lalaki na Nanghihipo ng Dibdib ng mga Babaeng joggers, Arestado sa Buy-bust

HAndcuffed Image from Wehoville

(Veloso Avenue, Ormoc City) Isang lalaki ang inaresto sa isang buy-bust operation sa Sitio Suntan, Barangay Punta noong Sabado ng gabi —  na nagkataon namang matagal na palang wanted dahil umano sa mga reklamo ng panghihipo sa dibdib ng mga babaeng nagja-jogging sa Veloso Avenue sa Ormoc City.

Ang suspek na si Jezel Laurente, 27, isang karpintero, may-asawa at residente ng Sitio Cantalib, District 29, ay kinilala ni Senior Inspector Joseph Joevil Young ng Drug Enforcement Unit ng Ormoc City police.

Ani Young, naaresto si Laurente sa Barangay Punta bandang alas-otso ng gabi at nakuha sa kanya ang P500 na buy-bust money at dalawang plastic sachet ng shabu.

Ayon kay Young, si Laurente ay matagal nang pinaghahahanap ng lokal na pulisya dahil sa magkakasunod na reklamo ng panghihipo.

Ayon sa mga pulis, sumasabay sa pagtakbo si Laurente sa babaeng nagja-jogging at kapag si Laurente ay nakalapit sa babae ay bigla niyang dadakmain ang dibdib ng kanyang biktima at tatakbo papunta sa kanyang motorsiklo upang makatakas.

Isa sa mga nabiktima umano ni Laurente ay isang doktora at mula noon ay nakilala si Laurente ng iba pang mga tumatakbo na naging biktima rin niya.

Saad ni Young, isinagawa nila ang isang buy-bust operation laban kay Laurente matapos nilang makakuha ng impormasyon na nagbebenta si Young ng ilegal na droga sa habal-habal na mga drayber sa kanilang lugar.

Ayon sa ulat ng GMA, si Laurente ay baguhan pa lamang sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Inamin ni Laurente ang panghihipo sa mga babae, ngunit itinanggi niya ang pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa kabila nito, si Laurente ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang iba pang babae na nabiktima ni Laurente ay hinihintay ng mga awtoridad upang pormal na siyang kasuhan hinggil sa panghihipo.

Source :

GMA

Loading...