Lalaking nang-rape sa ginang at pumatay sa anak nito noong Linggo ng Pagkabuhay, patay sa pulisya

Image from Hive MindImage from Hive Mind

Patay matapos barilin ng pulis ang 28-anyos na lalaking suspek sa panggagahasa at pananaksak sa isang ginang at pagpatay sa anim na taong gulang na anak ng biktima noong Linggo ng Pagkabuhay, ika-16 ng Abril.

Sa ulat ng Inquirer, nahuli ng pulisya ang suspek na si Joey Montecarlos sa bahay ng lola nito sa Barangay Canalat sa Malolos Bulacan, Linggo ng hapon. Ngunit ayon sa hepe ng Malolos Police na si Supt. Heryl Bruno, napatay ang suspek matapos nitong tangkaing agawan ng baril ang isang pulis.

Positibong itinuro ng 30-anyos na biktima ang suspek na siyang gumahasa at sumaksak sa kanya sa isang bakanteng lote sa Barangay Suan dakong 6:30 ng umaga noong Linggo ng Pagkabuhay. Nilunod pa ng suspek sa kanal ang anim na taong gulang na anak na babae ng biktima.

Isinugod sa Santos General Hospital ang mag-ina, subalit binawian ng buhay ang paslit