Larawan ng estudyanteng nagre-review sa kalsada matapos ang malakas na lindol sa Batangas, usap-usapan sa internet

Image from LPU Batangas Files' Facebook page

Kalat na at usap-usapan ngayon sa internet ang larawan ng isang babaeng estudyante na nagre-review sa gilid ng kalsada makaraan lang ang malakas na pagyanig ng lindol sa Batangas.

Kinunan ng isang netizen ang naturang eksena at ibinahagi sa Facebook page niyang “LPU Batangas Files.”

Agad namang umani ng papuri mula sa mga nagbigay ng komento sa post ang estudyanteng napag-alamang nagre-review para sa kaniyang final exams. Nakilala ang estudyante na si Fatima Ludovice, isang 2nd Year Business Admnistration student sa Lyceum Batangas.

Ani Fatima, hindi niya namalayan na kinunan siya ng litrato.

“Sobrang nagulat ako. Oo, ako iyan,” sabi ni Fatima.

Aniya, inabutan siya ng 5.5 magnitude na lindol habang nagre-review sa loob ng boarding house, Pagkatapos ng pagyanig ay lumabas raw siya upang ipagpatuloy ang pagrerepaso.

Source :

Facebook, ABS-CBN