Love triangle, sinisilip na dahilan ng pagpaslang sa dating beauty queen ng Bulacan

Image capture of video by GMA News

Malakas ang hinala ng pulisya na love triangle ang dahilan ng pagpaslang sa 23-anyos na si Mary Christine Balagtas; dating beauty queen sa Plaridel, Bulacan.

Ang biktima ay binaril sa sentido ng isa sa dalawang suspek na nagpanggap na delivery boys ng bulaklak at tsokolate.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi umano ng ina ng biktima sa pulisya na wala namang kaaway ang kanyang anak, pero ang boyfriend nito ay may asawang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa panayam kay Supt. Julio Lizardo, sinabi nito na ayon sa ina ng biktima madalas tumawag sa kanila ang OFW na misis ng boyfriend ng kanyang anak at nakikiusap na layuan ni Mary Christine ang kanyang mister.

Gusto na rin umanong hiwalayan ng lalaki ang misis niyang OFW, pero hindi magawa dahil natatakot raw sa asawa, ayon pa rin sa salaysay ng ina ng biktima.

Ipinagpapalagay ngayon ng pulisya na mastermind ng krimen ang mag-asawa na pinaniniwalaang nagbayad ng mga hired killers upang patayin si Mary Christine.

Narito ang ulat mula sa ABS CBN: