Mag-asawa at Kaibigan, Natagpuang Patay Matapos ang Pakikipagkita sa Isang Car Buyer sa Lanao del Sur

Larawan mula sa ANC Facebook Page

ILIGAN CITY – Natagpuang patay ang tatlong katao matapos maiulat na sila’y nawawala sa Lanao del Sur nitong Abril 9.

Ang mga labi ng mag-asawang Japeth at Merliza Ceballos at ng kaibigan nilang si Rex Villanueva ay dinala na ng mga awtoridad sa funeral parlor sa Lanao del Sur  nitong Abril 10 ng umaga.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ang tatlo ay nawawala nitong weekend matapos ang diumano pakikipagkita sa isang prospective car buyer.

Ang mga biktima ay nagtamo ng multiple gunshot wounds at itinambak ang mga bangkay nila sa bayan ng Molundo.

Ayon sa pamilya ni Japeth, makikipagkita ang mga biktima sa lungsod  para sa ibinebenta nilang sasakyan ngunit iginiit ni Japeth na dadalhin nito ang sasakyan sa Lanao del Sur.

Ngunit sina Merliza at Rex Villanueva ay nagdadalawang-isip sa pagpunta.

Sa panayam kay Senior Superintendent Oscar Nantes ng Lanao del Sur Police Office, aniya, ang naturang transaksyon ay natapos sa Iligan ngunit ang buyer ng sasakyan ay posibleng mula sa Lanao del Sur.

Nawawala pa rin ang naturang sasakyan at ang kinita mula sa poultry business ni Merliza.