Mahigit 250 patay sa pagbaha at mudslide sa Colombia, Pope Francis nanawagan ng panalangin para sa mga biktima

Image capture of video by 247 Eye via YouTubeImage capture of video by 247 Eye via YouTube

Umabot na sa 254 ang naitalang nasawi sa Colombia dahil sa napakalakas na pagbuhos ng ulan na sanhi ng malawakang pagbaha at mudslide noong Sabado, ika-1 ng Abril.

Ayon sa ulat ng CNN, nagsimula ang malakas na pagbuhos ng ulan noon g Biyernes dakong alas-dose ng gabi, ika-31 ng Marso, sa bayan ng Mocoa na napaliligiran ng mga ilog. Sinabi ng isang saksi na mabilis na umapaw ang tubig sa mga ilog. Tangay ang mga malalaking bato at nabunot na mga puno, rumagasa ang tubig-ilog sa mga kabahayan.

Maaari pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi ayon na rin sa Colombian President na si Juan Manuel Santos dahil sa 148 na residente ang hindi pa natatagpuan. Nasa 1,100 naman ang mga sundalo at pulis na ipinadala sa lugar ng sakuna upang tumulong sa rescue at search operations.

Samantala, sa kanyang pagbisita sa Capri sa Italy, nanawagan si Pope Francis ng panalangin para sa mga biktima ng trahedya sa Colombia.

Source :

CNN, BBC, Bombo Radyo