Matapos ang Pag-amin ni Alvarez sa Kaniyang Girlfriend, Gabriela Umaasang  Susuportahan nito ang Divorce Law

Image from RMN News Nationwide: "The Sound of the Nation."Facebook pageImage from RMN News Nationwide: "The Sound of the Nation."Facebook page

Umaasa si Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na bibigyang daan ni Speaker Pantaleon Alvarez ang divorce law kasunod ng pag-amin nito na mayroon siyang extra-marital affair.

Noong Agosto 2016, inihain ng Gabriela ang panukalang batas na naglalayong i-institutionalize ang diborsiyo sa bansa

Sana po as much as possible ilagay niya sa priority legislative agenda niya ‘yung divorce. Isa yan sa legal options para sa paghihiwalay ng mag-asawa na irreconcilable,” ani Brosas.

Kamakailan ay inamin ni Alvarez na mayroon siyang girlfriend matapos nitong maghain ng reklamo sa Ombudsman laban kay  Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floirendo, Jr. sa kasong graft na diumano’y maanomalyang lease ng lupa sa firm sa gobyerno ng pamilyang Floirendo.

Nagsimula diumano ang samaan ng loob  ng dalawang mambabatas dahil sa kanilang mga girlfriend ngunit itinanggi naman ni Alvarez na ito ang dahilan sa pagsasampa ng kaso  laban kay Floirendo.

Inamin din ni Alvarez na may mga anak ito sa iba’t ibang babae; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Samantala patuloy namang nanawagan si Brosas kay Alvarez hinggil sa kaniyang extra-marital affair.

Malinaw ang stand namin: we have grave concern kaugnay sa ipinakita ni Speaker Alvarez kaugnay sa pag-flaunt ng extra-marital affairs. We don’t agree with it,” ani Brosas.

Nagpahayag naman ng suporta si Surigao del Norte Rep. Ace Barbers sa divorce law.

Kapag ‘yung mag-asawa, ‘yung couple ay mayroon nang irreconcilable differences dumadating sa punto…siguro bigyan na lang ng way out by approving divorce,” ani Barbers.

Loading...