Matapos i-anunsiyo ang P1-M reward kada mahuhuling Abu Sayyaf, PNP binaha ng mga tips

Image from Inabanga Municipality

Dumagsa ang napakarami umanong tawag sa Philippine National Police (PNP) upang magbigay ng impormasyon kung saan matatagpuan ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nananatiling at-large sa Bohol.

Ayon sa Abante, ang pagdagsa ng mga taong nagbibigay ng tips sa kinaroroonan ng mga bandido ay dahil sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay siya ng P1 milyong pabuya kada Abu Sayyaf na mahuhuli sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na ikadarakip ng mga bandido.

Ibinunyag ni PNP Chief Ronald De la Rosa na abala na ngayon ang mga pulis sa paggalugad sa mga lugar na ibinigay ng mga impormante.

“Ganun ka-intense ‘yung ating manhunt operation not only by the security forces, by the PNP and the AFP but community approach na ‘yung ginagawa nating approach dahil nag promise si Presidente ng P1-million sa bawat isang Abu Sayyaf na mahuli o mapatay doon sa impormante ibigay ‘yung pera,” pahayag ni Dela Rosa.

Source :

Abante, Grejeen