Merchandiser ng Ace Hardware, nag-resign dahil sa takot matapos mabangga ng pushcart ang opisyal ng pulis sa Iloilo

Image from RMN Iloilo via Facebook post

MAYNILA, Pilipinas – Napilitang magbitiw sa kaniyang trabaho ang isang merchandiser ng Ace Hardware sa Iloilo dahil sa takot matapos mabangga ng pushcart ang isang mataas na opisyal ng pulis sa lungsod ng Iloilo.

Ayon sa ulat ng RMN Iloilo, hindi umano sinasadyang nabangga ng hindi pinangalanang empleyado si  ICPO Director Sr. Supt. Remus Zacharias Canieso noong gabi ng Abril 6.

Nagalit umano si Canieso matapos tamaan sa tagiliran kaya sinigawan niya ang naturang empleyado kahit na humingi na ito ng pasensiya.

Hindi pa nakuntento umano ang opisyal, na nagpakilala matapos ang insidente, at ipinatawag pa niya ang manager sa kaniyang opisina para sabihan na tanggalin sa trabaho ang merchandiser na nakabangga sa kaniya.

Dahil sa takot kay Canieso, kusa na lamang umanong nag-resign ang pobreng empleyado.

Sa kabila nito, mariin namang itinatanggi sa media ng manager at mga empleyado ng Ace Hardware ang pangyayari, ayon pa sa ulat.

Source :

RMN Iloilo