Mga residente sa Bohol, muling pina-evacuate dahil sa patuloy na banta ng Abu Sayyaf

Image capture of video by ABS-CBN Image capture of video by ABS-CBN

Muli na namang pinalikas ang mga residente sa Bohol kung saan naganap ang madugong engkwento sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf dahil sa posibilidad ng panibagong operasyon ng mga sudalo laban sa mga bandido.

Sinabi sa ulat ni Annie Perez ng ABS-CBN, na ang mga residenteng pinalikas ay mula sa Barangay Lonoy Cainsican at Barangay Lonoy Roma, kung saan may natagpuang bangkay ng isang pinaghihinalaang kasapi ng Abu Sayyaf.

May natanggap umanong impormasyon ang militar na patuloy na gumagala sa lugar ang ilan pang mga bandido na nakaligtas sa engkwentro. Ayon sa nasabing impormasyon, nangangatok ang mga bandido sa bahay ng mga residente upang manghingi ng pagkain.

Isa umano sa mga namataan ay si Joselito Melloria, isang lokal na residente ng Barangay Napo na siya umanong tumulong sa mga bandidong nagbuhat pa sa Basilan. Sugatan umano si Melloria, pero natakot raw ang mga residente dahil armado ito ng mataas na kalibre ng baril.

Source :

ABS-CBN, Inquirer