Minimum Pay ng mga Filipino Domestic Helper sa Singapore, Itataas

Public Domain image

Magandang balita!

Tataas na sa S$570 ang minimum salary ng mga Filipino domestic helpers sa Singapore simula sa Mayo 1,  upang makasabay sa exchange rate fluctuations; ayon sa Singapore-based The Straits Times.

Ang isang Singaporean dollar (S$1.00) ay katumabas ng P35.90 base sa kasalukuyang exchange rate.

Ang minimum salary para sa domestic workers sa Singapore ay kasalukuyang nasa S$559.

Ayon sa Straits Times, sumulat na ang Philippine Embassy’s Overseas Labor Office (POLO) sa mga accredited employers upang abisuhan sila sa pagtaas ng sahod noong nakaraang linggo.

Sinabi naman ng Singapore’s Association of Employment Agencies president K. Jayaprema sa Strait Times, na ang naturang dagdag sahod ay hindi makaaapekto sa pag-hire ng mga Filipino helpers  dahil gusto ng mga employer ang kanilang mga kasanayan  kahit mahirap ang extra  checks mula sa POLO.

Dagdag pa ng POLO, magsasagawa sila ng random checks upang tiyaking  nababayaran nang maayos ang mga household helpers.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, may naiulat sa  opisina ng POLO na tinatayang nasa 8 buwang halaga ng sahod ang ibinabawas mula sa paychecks ng ilang mga Filipino domestic helpers upang mabayaran ang placement fee, na itinuturing na iligal sa Singapore.

Tinatayang nasa 70,000 Filipino helpers ang nasa Singapore ngayon.