Nagkaroon man ng int’l award, marami pa raw kailangang gawin si Lotlot upang maging isang Nora

Mga imahe mula sa Facebook

Nagkaroon man daw ng international acting award ang aktres na si Lotlot de Leon, marami pa rin daw itong kailangang patunayan upang mapantayan ang inang si Nora Aunor.

Ayon sa Bandera, napili bilang Best Feature Film ang “1st Sem” at pinarangalan si Lotlot para sa Special Acting Citation, habang panalo ang mga direktor na sina Dexter Hernandez at Allan Ibanez sa Debut Director’s Category. Invited din ang “1st Sem” sa film festival sa Texas na magaganap simula April 21-30 sa Flagship AMC Studio 30 Theaters sa Southwest Houston, Texas sa Amerika.

Sa isang panayam kay Lotlot, malakas na tawa at puro pagbibiro lamang ang isinasagot ng aktres. Para maging kapantay daw ng ina niyang Superstar, marami pa raw siyang dapat na patunayan.

“Ka-level si Mommy? Ay, no! Marami pa po, marami pa po akong kailangang patunayan,” pag-amin niya.

Sa ngayon, subsob ang aktres sa taping ng teleserye niya sa GMA-7 na Destined To Be Yours.

Bago ang April 21, kailangan niyang pumunta sa Houston, Texas para sa 50th Annual Worldfest-Houston International Film and Video Festival.

Sa kabila ng lahat, personal din daw nitong inaasikaso ngayon ang bago niyang restaurant na The South Grill na matatagpuan sa Sucat, Parañaque.

Panoorin ang isa sa mga episode ng Destined To Be Yours kung saan kasama si Lotlot:

Source :

Bandera, GMA, PEP, YouTube