Nakababahala! Grade 6 na Nagbebenta ng Ilegal na Droga sa Bacolod, Natiklo ng Pulis

File photoFile photo

“Nakababahala! Pabata nang pabata ang nasasangkot sa ilegal na droga.”

Inaresto ng mga pulis ang isang 15-anyos na grade 6 na estudyante sa isang buy bust operation sa Purok Cagaycay, Barangay 2, Bacolod City, nitong Lunes ng gabi.

Binentahan ng shabu ng isang menor de edad ang isang pulis na nagpanggap na bumili sa halagang P200.

Matapos ang bentahan, naglabas pa umano ang menor de edad ng tatlong pakete ng shabu at P380.

Ayon sa mga pulis, ilang buwan na nilang sinusubaybayan ang suspek, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Kamakailan lamang ay inaresto rin umano ang ina ng suspek dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa inisyal na ulat ng Balitang DF, sinabing tumataas na ang bilang ng juvenile delinquency o krimen na kinasasangkutan ng mga menor de edad na nasa 18-anyos pababa.

Ipinaliwanag ni Atty. Gaby Concepcion, ang Republic Act 9344; “kung ang offender ay 15-anyos pababa, hindi siya puwedeng makulong.”

Sinabi rin ni Atty Concepcion, kahit na hindi makulong ang batang nagkasala, hindi pa rin ito lusot sa civil liability. Magulang ng bata ang dapat managot sa anumang civil liability ng kanyang anak.