Napababalitang karelasyon ni Kris, tumangging may relasyon sila ng aktres

Imahe mula sa FacebookImahe mula sa Facebook

Itinanggi ni Renan Morales ang napababalitang relasyon nila ng Queen of All media na si Kris Aquino.

Ayon sa Abante, kasabay ng pagtanggi, inamin naman ni Morales na matagal na silang magkakilala ni Aquino.

“Ako kasi sumalubong at umalalay kay Kris sa Harvest Hotel sa Cabana­tuan para sa shooting sa Bongabon, Nueva Ecija. We felt comfortable with each other because she was my long time friend since 2007,” saad ni Morales.

Si Morales ay anak ng producer ni Aquino na si Rhodora Pascual Morales sa kanyang comeback TV show na “#Trip ni Kris”  — isa rin ito sa mga dahilan kung kaya siya ang sumalubong sa aktres.

Inamin din ni Morales na siya rin ang naglagay ng hundreds of balloons at Ecuadorian roses sa silid ng aktres noong bisperas ng Valentine’s Day, birthday ng aktres. Ang nasabing lobo at rosas ay pinagdudahan pa noon na nagmula kay Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil sila ang matunog na may relasyon noong mga panahong iyon.

Renan Morales

Sa ngayon, number one councilor si Morales sa San Antonio, Nueva Ecija; ngunit bago pumasok sa pulitika ay nakilala siya bilang N-1 car racing at F3 Formula Driver champion. Tinanghal din siyang first Filipino na nanalo noong 2005-2006 Asian Ferrari Challenge Cup.

Kabilang sa mga ex nito ay ang mga sexy star na sina Andrea del Rosario, Sheree, Julia­nna Palermo, at isang Jenny Hernandez kung saan meron daw itong isang anak.

Bagong show ni Kris

Samantala, naging mainit umano ang pagtanggap ng GMA 7 sa comeback show ni Aquino. Ayon sa neophyte producer, pagkasarado ng usapan kay Aquino tungkol sa gagawing show ay agad siyang nakipag-ugnayan sa ABS-CBN at GMA -7 para makabili ng blocktime para sa nasabing show.

“Nagmamadali na kami, akala ko naman, ­magagawa ng ganyan, overnight lang. Hindi ako nahirapan sa GMA, two days lang ‘yon (negotiation). Makulit ako eh. Sa ABS-CBN, actually, meron naman sila dapat eh kaso, marami nang naka-schedule do’n sa slot na gusto namin,” saad ng producer.

“Madaling kausap ang mga tao, warm. ­Pagpasok mo pa lang, hindi ka ini-i-scrutinize bago makapasok eh… kahit blocktimer ako, sobrang asikaso. Gustung-gusto nila si Kris,” dagdag pa nito.